Teksty piosenek > Pozostali > 1096Gang > Demi God
2 578 758 tekstów, 31 797 poszukiwanych i 508 oczekujących

1096Gang - Demi God

Demi God

Demi God

Tekst dodał(a): JTK1964 Edytuj tekst
Tłumaczenie dodał(a): brak Dodaj tłumaczenie
Teledysk dodał(a): JTK1964 Edytuj teledysk

Tekst piosenki:

Gagamitin ang kapangyarihan ng salita ko
Makikinig mga nilalang kahit, di tao
Sakin di na to bago
Para lang maging klaro
Depende sa sitwasyon kung mababago ang pabago bago bago bago kong plano
Yeah, bago dumating ang biyaya eh napaos na ko sa kakadaing
Yeah, di ko din kailangan gumaling
Lalong di ko ipipilit yokong magsinungaling
Lumulusong ka sa dagat kahit dami ng pating
Mas malawak sa ilalim baka di pa narating
Dito parin sa dilim
Bumobomba palihim
Dami na nakatuklas lahat gustong makatikim
Yeah, daming napraning sobrang good na parang homegrown
Mensaheng mainit na bumubutas ng ozone
Pag naririnig mo na yung boses ko at tone
Para kang kinukuryente at tumatagos sa bone, yeah

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay lumilipad ako at tignan mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet, yeah

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay lumilipad ako at tignan mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet, yeah

Minamaterialize ko lang kung ano ang nasa isip
Waalang makakasilip na iba sa panaginip
Na pinapatakbo ko sa sagrado kong bungo
Na kinokonekta ko sa kamalayan ng mundo
Mga kaluluwang tuyot
Didiligan ko ng mga kantang
Sa kamalayan di humahadlang
At ang kalayaan ay makakamtan
Sa pamamagitan ng kaalaman na mula sa pag-iisip
Ng kagaya kong baliw sa mata ng makikitid
Na lubos ng na aliw sa materyal na pag-ibig
Pina-ikot ng paligid
Pinulikat kakasisid
Sa mga kaalamang ambabaw lang naman
Utak na sobrang gaan lumilipad sa kawalan
Walang laman kundi balita tulak ng bibig
Mga basurang nakikita kabig ng dibdib
Mukhang hindi ko na to kaya
Om namah shivaya
Kailangan na ng mantra para sa mga buhay na patay ang malay
Nananaginip ng gising tumatangkilik ng mga hindi kailangan nguyain ngumingite
Ngunit sarili nakagapos sa walang hangganang taning hanggang buhay ay matapos

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay tumilipad ako at tignan mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet, yeah

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay tumilipad ako at tignan mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet, yeah

Lumilipad kailangan helipad
Sumasagad na parang demi god
Tablado matik kapag verybad
Sinasalbahe kapag verygood
Sagradong buhay ang hinahangad
Sinisipagan pag tinatamad
Sariling kayod ang nilalasap
Sariling takot ang hinaharap

 

Dodaj adnotację do tego tekstu » Historia edycji tekstu

Tłumaczenie :


Wykonanie oryginalne:

1096Gang

Edytuj metrykę

Komentarze (0):

tekstowo.pl
2 578 758 tekstów, 31 797 poszukiwanych i 508 oczekujących

Największy serwis z tekstami piosenek w Polsce. Każdy może znaleźć u nas teksty piosenek, teledyski oraz tłumaczenia swoich ulubionych utworów.
Zachęcamy wszystkich użytkowników do dodawania nowych tekstów, tłumaczeń i teledysków!


Reklama | Kontakt | FAQ | Polityka prywatności | Ustawienia prywatności